Kapana-panabik na mga laro sa V-League
Laro Bukas
(The Arena, San Juan)
4 p.m. IEM vs
Systema (men’s)
6 p.m. Army vs
Meralco (women’s)
MANILA, Philippines - Sa pagkakaroon ng mga bigating players, inaasahan ng mga coaches na magiging mahigpit ang labanan sa Shakey’s V-League Season 11 Foreign Reinforced Conference na hahataw bukas sa The Arena sa San Juan.
“In a short tournament, every game counts, so expect a down-to-the-wire finish in all matches,” sabi ni Philippine Army head coach Rico de Guzman.
Habang kumuha ang Cagayan Valley, Meralco at PLDT Home Telpad ng Thai at Japanese reinforcements para palakasin ang kanilang kampanya sa season-ending tournament ng ligang itinataguyod ng Shakey’s, isasalang naman ng Army ang isang all-Filipino line-up.
Tinalo ng Lady Troopers ang Lady Rising Suns para sa korona ng nakaraang Open Conference.
Muling ipaparada ng Army sina Most Valuable Player awardees Jovelyn Gonzaga, Rachel Ann Daquis, Nerissa Bautista at Mary Jean Balse katuwang ang bagong hugot na sina Dindin Santiago at Carmina Aganon.
Nasa koponan pa rin sina ace setter Tina Salak, Joanne Bunag, Christine Agno, Genie Sabas, Sarah Jane Gonzales, Patricia Siatan-Torres at skipper Michelle Carolino.
Babanderahan naman ang Meralco Power Spikers nina dating La Salle star Abby Maraño, Thai Wanida Kotruang at Japanese Misao Tanyama bukod pa kina Stephanie Mercado, skipper Maureen Penetrante-Ouano, Jennylyn Reyes, Maica Morada, April Ross Hingpit, Ma. Concepcion de Guzman, Zharmaine Velez, LC Girly Quemada at Celine Hernandez.
Aasa naman ang Cagayan Valley kina veteran Aiza Maizo-Pontillas, Janine Marciano, Joy Benito, mga dating Adamson stars na sina Shiela Pineda at Pau Soriano, Gyzelle Sy, Wenneth Eulalio, Relea Saet at Thai imports Patcharee Saengmuang at Amporn Hyapha.
Ang PLDT Home Telpad ay babanderahan nina dating MVP Suzanne Roces, power-hitter Angela Benting, top blocker Charo Soriano, ace setter Rubie de Leon, Ryzabelle Devanadera, Maruja Banaticla, Lizlee Ann Pantone, Laurence Ann Latigay at Lourdes Patilano.
Magpaparada ang Turbo Boosters ng isang Thai import sa una nilang laro sa Oktubre 9.
Isang exhibition match sa pagitan ng Philippine U-17 squad at FEU Lady Tamaraws ang nakatakda sa alas-2 ng hapon.
- Latest