Tamaraws kontra sa Bulldogs para sa UAAP Finals
Laro sa Sabado
(Mall of Asia Arena, Pasay City)
11 a.m. NU vs FEU (women’s Finals, Game 2)
3 p.m. NU vs FEU (men’s Finals, Game 1)
MANILA, Philippines - Nagsalpak si Mark Belo ng isang buzzer-beating three-point shot para sa panalo ng Tamaraws, habang tumipa si Angelo Alolino ng dalawang free throws sa huling 9. 3 segundo upang ilusot ang Bulldogs.
Ang naturang kabayanihan nina Belo at Alolino ang nagtakda sa best-of-three championship series ng Far Eastern University at National University sa 77th UAAP men’s basketball tournament.
Nilusutan ng Tamaraws ang nagdedepensang La Salle Green Archers, 67-64, habang binigo ng Bulldogs ang Ateneo Blue Eagles, 65-63, sa Final Four kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Nang harangan ng dalawang La Salle players ang kanyang drive ay ipinasa ni Mike Tolomia ang bola sa sulok kung saan isinalpak ni Belo ang kanyang tres bago tumunog ang final buzzer.
Ang dalawang free throws naman ni Alolino sa natitirang 9.3 segundo ang nag-akay sa NU para sa kanilang unang finals appearance matapos noong 1970.
Si Alolino ang nagtabla sa Bulldogs sa 63-63 mula sa kanyang three-point shot sa 2:02 minuto ng final canto, habang hindi naman nakaiskor ang Blue Eagles.
Sa women’s best-of-three championship series, kinuha ng Lady Bulldogs ang 1-0 bentahe matapos talunin ang FEU Lady Tamaraws, 80-58, para makalapit sa kanilang kauna-unahang titulo. (RCadayona)
NU 65 – Aroga 14, Alolino 12, Khobuntin 11, Rosario 9, Javelona 8, Neypes 4, Diputado 3, Alejandro 2, Perez 2, Betayene 0, Atangan 0.
Ateneo 63 – Newsome 22, Ravena 18, Elorde 8, Pessumal 8, Babilonia 4, V. Tolentino 2, Gotladera 1, Apacible 0, Capacio 0, A. Tolentino 0.
Quarterscores: 12-8; 32-27; 46-47; 65-63.
FEU 67- Belo 23, Tolomia 14, Pogoy 8, Hargrove 6, Iñigo 5, Jose 3, Cruz 3, Tamsi 3, Ru Escoto 2, Ugsang 0, Dennison 0, Lee Yu 0, Ri. Escoto 0.
La Salle 64- Teng 13, Perkins 12, Van Opstal 11, Sargent 8, N. Torres 7, Rivero 7, Vosotros 6, Montalbo 0, T. Torres 0, Bolick 0.
Quarterscores: 24-17; 42-37; 51-47; 67-64.
- Latest