Gilas natapos sa 7th place ng Asian Games
MANILA, Philippines – Winakasan ng Gilas Pilipinas ang kanilang kampanya sa 14th Asian Games na nasa pampitong puwesto matapos tambakan ang Mongolia, 84-68, ngayong Miyerkules sa Hwaseong Gymnasium sa South Korea.
Binuhat ni Ranidel de Ocampo ang kopnan sa kanyang halos triple-double output na 25 markers, 11 rebounds at pitong assists, upang makabangon ang Gilas sa pagkatalo sa China kahapon.
Hindi naman nagkulang sa suporta sina Junmar Fajardo, Gabe Norwood at LA Tenorio na umambag ng pinagsamang 34 markers.
Bigong makapasok ang Pilipinas sa semi-finals ng torneo matapos matalo sa Qatar at South Korea.
Ito na ang pinakamasamang tapos ng Philippine men's basketball team sa kasaysayan ng Asian Games, mas malala sa sixth place finish ng Gilas I noong 2010 na kinabibilangan ng mga amateur players.
- Latest