^

PSN Palaro

Sana maulit muli

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Huling apat na araw na lang ng 17th Asian Games sa Incheon, South Korea.

Kung baga sa karera ay into the homestretch na at siksikan na sa balya.

At kung hindi pa nanalo ng gintong medalya ang Pilipinas kahapon sa taekwondo ay nangahulugan na wala pa rin tayong ginto sa ating mga bulsa.

Ang China ay may mahigit isang daang gold medals na ang nakamit. Malayo itong sinusundan ng South Ko­rea (42) at Japan (34) at second place na lang ang la­banan.

Kung ihahambing naman ang Pilipinas sa ating mga kapitbahay sa Southeast Asia, malayu-layo tayo sa likod ng Thailand na may apat na ginto, Malaysia (3), Indonesia (2), Myanmar (2) at Singapore (1).

Dalawang silver pa lang at dalawang bronze ang napapanalunan natin sa Incheon Asiad at may pag-asa pa sa boxing, BMX at sa taekwondo nga.

Buhay pa rin ang pambato natin sa karate.

Huwag naman sana tayo ma-zero o mangitlog sa Incheon.

Isa-isa na kasing nalalagas ang mga inaasahang magpo-produce ng ginto para sa Pilipinas, kabilang na rito ang mga atleta natin sa wushu, bowling at ang pi­nakasikat na Gilas Pilipinas.

Magdasal na lang ta­yo na sa darating na mga araw ay makakatikim na­­man tayo ng panalo.

Naalala ko nu’ng 1994 Asian Games sa Hi­roshima, Japan nang ma­­nalo ang Pilipinas ng tat­­long gintong medalya sa boxing.

Umuwing bida sila Man­sueto ‘On­yok’ Velasco, Reynaldo Galido at Elias Recaido.

Sana maulit muli ang tad­hana.

Dalawang boksi­ngero na natin ang nasa semis. Ito ay sina Charly Sua­rez at si Mario Fer­nan­dez.

Susubok pang makapasok sina Anthony Barriga at Wilfredo Lopez.

Makapasok lang s­ila lahat ay naniniwala akong may lulusot sila pa­ra manalo ng ginto.

The more the merrier.

Please lang, manalo naman kayo!

ANG CHINA

ANTHONY BARRIGA

ASIAN GAMES

CHARLY SUA

DALAWANG

ELIAS RECAIDO

GILAS PILIPINAS

PILIPINAS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
10 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with