^

PSN Palaro

Stags inilampaso ang Generals

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Maagang nagtrabaho ang San Sebastian pa­ra makapaglatag ng ma­laking kalamangan tu­ngo sa 107-73 paggapi sa kulang sa tao na Emilio Aguinaldo College sa 90th NCAA men’s basketball tournament kahapon sa The Are­na sa San Juan City.

Tinipa nina Jovit dela Cruz at Jaymar  Perez ang lahat ng 16 at 11 puntos sa laro sa first half para big­yan ng 30-puntos na ka­lamangan ang Stags sa Ge­nerals na naglaro gamit lamang ang limang players.

Sina Jerald Serrano, Jo­zhua General, Chris Me­jos, Ai Indin at Faustine Pas­cual ang nagdala ng la­ban para sa Generals sa ka­nilang huling laro sa liga.

Tumapos ang EAC ta­ngan ang 4-14 baraha at lima lamang ang nakapag­laro dahil walo pa ang sini­silbihan ang kanilang mga sus­pensyon na ipinataw ma­tapos makipagrambulan laban sa Mapua Cardinals sa huling laro.

Walong manlalaro ng Car­dinals ang sinuspindi rin bunga ng pangyayari kahit hin­di nakabuo ng limang pla­yers ang koponan upang i-forfeit ang laro la­ban sa Letran Knights ka­hapon.

Ang tagumpay ng tropa ni coach Topex Robinson ay ikalawang sunod matapos ang 10-game losing streak para umangat sa 5-11 baraha na hindi sapat pa­ra makapasok sa Final Four.

 

AI INDIN

CHRIS ME

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

FAUSTINE PAS

FINAL FOUR

LETRAN KNIGHTS

MAPUA CARDINALS

SAN JUAN CITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with