^

PSN Palaro

Amberger, Gentle bumandera sa Safeguard Active 5i50 Triathlon

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dinomina nina Josh Am­berger at Ashleigh Gen­tle ng Australia ang ka­nilang mga grupo para ang­kinin ang korona sa pro di­vision ng 2014 Safeguard Active 5i50 Triathlon kaha­pon sa Tanglao, Bohol.

Nagposte si Amber­ger, pumang-anim sa naka­raang Ironman 70.3 St. Croix, ikaapat sa Ironman 70.3 Boise, ng mga oras na 16:19 minuto sa swim leg, 55:38 sa bike stage at 39:36 sa run leg ng natu­rang $10,000 event na iti­naguyod ng Safeguard Ac­tive.

Ang 24-anyos na si Amberger, pumangalawa sa Iron­man 70.3 Muncie, ng to­tal time na 01:55:54 para ta­lunin ang kababayang si Eric Watson para sa korona at top net purse na $1,500.

Humabol si Watson, da­ting Bunburry Olympic Distance at Mandurah Olym­pic Distance State cham­pion, sa run stage sa kan­­yang 37:14 tiyempo, ngu­­nit nabigong ungusan si Am­berger sa swim at bike sta­ges para sa kanyang oras na 2:01:46 at prem­yong $937.50.

Nanguna naman si Mi­chael Murphy sa swim stage sa kanyang bilis na 16:20 ngunit kinapos sa da­lawang legs (1:02:32 at 41:35) para sa kanyang oras na 2:04:20 at prem­yong $637.50.

Pumang-apat naman si Justin Granger (2:10:22) sa event na suportado ng Bellevue Resort bilang official hotel at 2Go na official courier at logistics provider.

Nagsumite naman si Gen­tle ng total time na 2:02:00 para talunin si ve­teran triathlete Belinda Gran­ger ng 13 minuto at ang­kinin ng titulo sa wo­men’s category sa event na inorganisa ng Sunrise Events, Inc. at idinaos sa Bo­hol sa unang pagkaka­taon.

Naorasan ang 23-an­yos na si Gentle  ng 18:20 sa swim leg, 1:02:32 sa bike stage at 37:00 sa run event sa torneong nilahukan ng 667 triathletes mula sa 28 bansa.

vuukle comment

ASHLEIGH GEN

BELINDA GRAN

BELLEVUE RESORT

BUNBURRY OLYMPIC DISTANCE

DISTANCE STATE

ERIC WATSON

JOSH AM

JUSTIN GRANGER

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with