^

PSN Palaro

Generals, Cardinals mapo-forfeit ang mga laro

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Isusuko ng Emilio Aguinaldo College at ng Mapua ang kanilang susunod na la­ro matapos ang suspensyon sa mga players nila sa nangyaring rambulan sa 90th NCAA men’s basketball tournament noong Lu­nes sa The Arena sa San Juan  City.

“They are facing possible forfeiture if they cannot come up with five players to start the game,” sabi ni Paul Supan, ang NCAA Management Committee chairman.

Apat na players lamang ang natira sa Generals sa kanilang nakatakdang pag­ha­rap sa Perpetual Altas nga­yong alas-9 umaga.

Ang mga ito ay sina Je­rald Serrano, Christ Mejos, Ai Indin at Jozhua General.

Ang mga nasuspinde ay sina John Tayongtong (5), Jan Jamon (3), A­riel Aguilar (3), Jack Ar­que­ro (3), Sydney Onwube­re (3), John Santos (2), Ma­nelle Quilanita (2), Edsel Sa­ludo (2) at Faustine Pascu­al (1).

Babagsak ang Generals sa 4-13 at tataas naman ang Altas sa 10-6.

Hindi rin maglalaro ang Ma­pua sa Lunes kontra sa Letran dahil sa suspensyon kina Leo Gabo (4), Jomari Tu­biano (3), Justin Serrano (2), James Galoso (2), Exe­qiel Biteng (2), Andrew Estrella (2), Jerome Canaynay (1), Ronnel Villasenor (1) at Darrel Magsigay (1).

 

AI INDIN

ANDREW ESTRELLA

CHRIST MEJOS

DARREL MAGSIGAY

EDSEL SA

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

FAUSTINE PASCU

JACK AR

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with