^

PSN Palaro

Pinas posibleng makamedalya sa archery

BRM - Pilipino Star Ngayon

INCHEON, South Korea -- Namuro ang men’s archery team na ma­ka­kuha ng medalya, ha­bang nag­pa­tuloy ang magandang la­ban ng mga boksingero sa 17th Asian Games dito.

Ang tambalan nina Paul Marlon dela Cruz, Earl Benjamin Yap at Ian Chipeco ay umusad sa semifinals sa men’s compound team pe­ro lumasap ng masakit na 227-228 pagkatalo sa host Korean.

May tsansa ang grupo na magbigyan ng bronze me­dal ang bansa sa pag­harap sa Iran sa Huwebes.

May posibilidad na ma­kapagbigay ng pangalawang medalya, kasama ang gintong medalya, si De­la Cruz dahil umabante siya sa semifinals sa indivi­dual event.

Tinalo ng 28-anyos na si Dela Cruz, beterano ng 2007 World Cham­pion­ship’s at 2012 at 2013 World Cup, si Sandeep Ku­mar ng India, 141-135, pa­ra pumasok sa semifinals na ilalaro sa Sabado.

Katapat ni dela Cruz, unang pinabagsak sina Ah­­med Abdulla Alabadi ng Qa­tar, 141-138 at kababa­yang si Yap, 141-135, si Es­maeil Ebadi ng Iran para sa puwesto sa finals.

Sina taolo Daniel Pa­ran­tac at sanda artist Jean Claude Saclag ang nag­hatid ng silver, habang si Fran­­­cisco Solis ang nag­bi­gay ng bronze medal.

Malaki pa ang posibi­li­dad na madagdagan ang mga medalyang ito matapos manalo ang dalawang bo­­xers.

Walang epekto ang pag­­kakabawas ng isang pun­tos kay Ian Clark Bautista at inangkin  ang tatlong rounds kontra kay Abdallah Maher Mohammad Sha­mon ng Jordan, 3-0, sa fly­weight division.

Sinundan ito ng 2-1 pa­nalo ni Wilfredo Lopez kay Aziz Achilov ng Turkme­nis­tan sa middleweight di­­­vision.

Tinalo naman ni light fly­weight Mark Anthony Bar­riga si Hussin Al Masri ng Syria, 2-1.

Una nang umabante si­na Mario Fernandez at Char­ly Suarez.

ABDALLAH MAHER MOHAMMAD SHA

ABDULLA ALABADI

ASIAN GAMES

AZIZ ACHILOV

CRUZ

DANIEL PA

DELA CRUZ

EARL BENJAMIN YAP

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with