^

PSN Palaro

Arellano asam ang playoff sa Final Four

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Palalakasin ng Arellano ang paghahabol sa ikalawang puwesto sa pagpun­tir­ya ng playoff spot laban sa Letran sa 90th NCAA men’s basketball tournament ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Sa alas-2 ng hapon ang bak­­bakan at ang makuku­hang ika-12 panalo ay sapat na para makatiyak na pa­laban ang Chiefs sa Fi­­nal Four dahil puwede pang umabot ng hanggang 12 wins ang pahinga pero nasa ikalimang puwesto na Perpetual Help Altas (9-6).

Hindi naman ibibigay ng Knights nang basta-basta ang panalo dahil nasa ‘must-win’ sila para manati­ling buhay ang tsansang ma­kaalpas sa elimination round.

May 6-8 karta ang back-to-back finalist na Letran at dapat na ipanalo ang na­lalabing apat na laro at manalangin na hindi la­lampas ng 10 panalo ang da­lawa sa mga koponan ng host Jose Rizal University, St. Benilde at Perpetual.

Ang Heavy Bombers at ang Blazers ang magsusu­katan sa tampok na laro sa alas-4 at ang magwawagi ang magsosolo sa ikatlong puwesto.

Ang mamalasin ay ma­­na­natiling nasa unang apat na puwesto pero ma­ka­kasalo na nila ang Perpe­tual sa 9-6 baraha.

May dalawang dikit na pa­nalo ang Blazers na ka­­nilang magagamit para ba­wian ang Heavy Bom­bers na nanaig, 69-61, sa una nilang pagkikita. (AT)

ANG HEAVY BOMBERS

ARELLANO

HEAVY BOM

JOSE RIZAL UNIVERSITY

LETRAN

PERPETUAL HELP ALTAS

SAN JUAN CITY

SHY

ST. BENILDE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with