Higanteng larawan ni LeBron James matutunghayan
CLEVELAND -- Isang higanteng larawan ni LeBron James ang muling matutunghayan sa siyudad.
Inaprubahan ng planning commission ng Cleveland ang naturang artwork para sa isang bagong 10-story-high banner ng NBA superstar kung saan ang kanyang mga braso ay nakalatag at may nakasulat na ‘’Cleveland’’ sa likod ng kanyang jersey.
Ito ay isasabit sa Quicken Loans Arena, ang tahanan ng mga Cavaliers.
Ang naturang Nike-sponsored banner ay kamukha ng black-and-white ‘’Witness’’ na isinabit ng ilang taon sa labas ng bakod ng Sherwin-Williams Co.’s headquarters.
Ito ay tinanggal matapos lumipat si James para sa Miami Heat noong 2010.
Ang bagong banner ay inaasahang ilalagay bago ang home opener ng Cavaliers sa Oktubre 30 laban sa New York Knicks.
- Latest