^

PSN Palaro

Gabuco, Barriga aasahan sa boxing

Pilipino Star Ngayon

INCHEON, South Korea -- Itataya ng national boxing team ang kanilang magandang estado kung paglahok sa Asian Games ang pag-uusapan.

Sa Miyerkules ang pagbubukas ng aksyon sa boxing sa Seonhak Gymnasium at ang Pilipinas ay magpaparada ng solidong line-up na pangungunahan ng isang world champion at isang London Olympics veteran.

Si Josie Gabuco ang kinikilalang world champion at No. 1 ranked lady boxer sa 45-48 kilograms, habang si Mark Anthony Barriga ang natatanging boksingero ng Pilipinas na nag-qualify sa London Games noong 2012.

Ang iba pang miyembro ng koponan ay sina Charly Suarez, Dennis Galvan, Ian Clark Bautista at Eumir Marcial sa men’s team at si Nesthy Petecio sa women’s class.

Hindi pa nabibigo ang mga pambato sa paghahatid ng me­dalya sa Asian Games sapul noong 1950 kung saan ka­buuang 15 ginto, 7 pilak at 20 tansong medalya ang nasikwat ng boxing team sa quadrennial meet upang ma­ging pinakaproduktibong sport ng bansa sa Asian Games.

Noong 2010, ang boxing ang isa sa tatlong sports na naghatid ng ginto sa katauhan ni Rey Saludar.

Pero dinapuan ng shoulder injury si Saludar at hindi nakasali sa taong ito ngunit ang ibang ipinadala ng ABAP ay may kapasidad para makapagbigay ng gintong medalya sa hanay ng 150-atletang delegasyon. (Beth Repizo-Meraña)

 

 

ASIAN GAMES

BETH REPIZO-MERA

CHARLY SUAREZ

DENNIS GALVAN

EUMIR MARCIAL

IAN CLARK BAUTISTA

LONDON GAMES

LONDON OLYMPICS

MARK ANTHONY BARRIGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with