^

PSN Palaro

NCAA games kinansela

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa ikalawang pagkaka­taon sa linggong ito ay ki­nansela ng NCAA Ma­nage­ment Committee ang nakatakdang laro sa basketball dahil sa masamang panahon.

Ang laro sa pagitan ng Letran Knights at St. Benilde Blazers at Jose Rizal University Heavy Bombers at San Sebastian Stags sa The Arena sa San Juan City ay ipinagpaliban dahil sa walang tigil na pagbuhos ng malakas na ulan dala ng Habagat na hinahatak ng bagyong ‘Mario’.

Noong Lunes ay  kinansela rin ang dapat sana ay tagisan ng Mapua Cardinals at Blazers bukod sa Stags at Perpetual help Al­tas dulot ng pagdating ng bagyong ‘Luis’.

Maging ang iba pang la­ro sa pinakamatandang collegiate league sa bansa kahapon na table tennis ay kinansela rin.

“All NCAA events (basketball and table tennis) are cancelled today, September 19, 2014 based on the announcement of no classes in all levels in Me­tro Manila due to heavy rains and flooding,” wika ni NCAA Management Committee chairman Paul Su­pan ng host Jose Rizal Uni­versity.

Pag-aaralan kung paano at kailan gagawin ang naudlot na dalawang laro.

Ang orihinal na iskedyul para matapos ang double round elimination sa 10-ko­ponang liga ay sa Oktub­re 4 kaya’t kasama sa magi­ging plano kung pu­we­deng isingit ang apat na naudlot na laro para ma­tiyak na matatapos ang li­ga bago su­mapit ang semestral break.

JOSE RIZAL UNI

JOSE RIZAL UNIVERSITY HEAVY BOMBERS

LETRAN KNIGHTS

MANAGEMENT COMMITTEE

MAPUA CARDINALS

NOONG LUNES

PAUL SU

SAN JUAN CITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with