^

PSN Palaro

Kiefer Ravena hinirang na UAAP PC-Accel Player of the Week

Pilipino Star Ngayon

Laro sa Sabado

(Smart Araneta

Coliseum)

4 p.m. NU vs UE

(playoff para sa No. 4)

 

MANILA, Philippines - Ang pagbabalik ng Blue Eagles sa Final Four ay nagmula sa pagbabandera ni scorer Kiefer Ravena.

Muling ipinakita ng fourth-year guard ang kanyang pamatay na porma ma­tapos umiskor ng 15 sa kanyang game-high na 23 points sa fourth quarter at sa extra five minutes para igiya ang Ateneo De Manila University sa 68-64 come-from-behind overtime win kontra sa Far Eastern University para tapusin ang eli­mination round bitbit ang No. 1 spot.

Dahil dito ay hinirang si Ravena bilang UAAP Press Corps-Accel Quantum Plus/3XVI Player of the Week sa ikatlong pagka­kataon sa 77th UAAP men’s basketball tournament.

Dinala ng ‘five-peat’ champions ang record na 11-3 patungo sa Final Four hawak ang ‘twice-to-beat’ advantage bilang top team.

Nagdagdag din ang ti­­na­guriang “Phenom” ng 5 rebounds, 5 assists at 2 steals sa nasabing pana­naig ng Blue Eagles laban sa Tamaraws noong na­karaang Sabado.

“This season had really been tremendous for us. It’s a revelation for so many players most especially for Kiefer,” sabi ni head coach Bo Perasol.

Si Ravena ang kinila­lang Most Valuable Player sa likod ng kanyang tournament-leading averages na 21.2 points, 5.6 assists at 1.5 steals sa 14 laro.

Tinalo ng 2010 UAAP Rookie of the Year sina Bong Galanza ng Univer­sity of the East, Don Trol­lano ng Adamson at Al­mond Vosotros ng nagde­depensang La Salle para sa naturang weekly honor na suportado ng Bactigel Hand Sanitizer, Mighty Mom Dishwashing at Dr. J Rubbing Alcohol.

Malamig si Ravena sa unang tatlong yugto kung saan iniwanan ng FEU ang Ateneo sa 45-26 papasok sa fourth period.

Ngunit nag-init ang anak ni dating PBA player Bong Ravena nang pamunuan ang 19-2 atake ng Katipu­nan-based squad para ma­kapuwersa ng overtime.

“Partly mental, I didn’t want to give up during the end,” sabi ni Ravena.

“Malayo na ang hi­na­bol namin 19 points din ‘yun. Sabi ko sa mga team­mates ko “‘dun pa ba ka­mi bibigay?” So I guess yu’ng mental (conditioning) namin umangat even though we’re a young team naipakita namin ‘yung at least little maturity in the end,” dagdag pa nito.

Hihintayin ng Ateneo ang mananalo sa playoff game ng National University at University of the East, kapwa nagtapos na may 9-5 record, sa Sabado pa­­­ra sa No. 4 spot.

ATENEO

ATENEO DE MANILA UNIVERSITY

BACTIGEL HAND SANITIZER

BLUE EAGLES

BO PERASOL

FINAL FOUR

RAVENA

SABADO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with