^

PSN Palaro

Pinas hahataw uli sa AYG U17

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Matapos ang anim na taong pagkawala, magbabalik ang Pilipinas sa Asian Youth Girls U-17 Championship hangad ang disenteng pagtatapos na gagawin sa Nakhon Ratchasima, Thailand.

May 14 na manlalaro ang hinuhubog ngayon ni national coach Jerry Yee na nakuha matapos ang tryouts na inorganisa ng Philippine Volleyball Fe­deration (PVF).

Pakay nila ang higitan ang 11th place pagtatapos noong 2008 na ginawa sa Manila.

Ang kompetisyon ay gagawin mula Oktubre 11 hanggang 13 at 13 kopo­nan ang maglalaban-laban para sa unang dalawang puwesto na aabante sa FIVB World Championship sa 2015.

Hinati ang mga kasali sa apat na pool at ang Pilipinas ay nasa Pool C kasama ng China, India at Australia. Kailangang tumapos ang bansa sa unang dalawang puwesto para umabot sa knockout quarterfinals.

Ang negosyanteng si Mariano Sy Diet na siyang sumagot sa P2.5 milyon na gastusin ng koponan na binubuo ng mga manla­larong sina Ezra Gyra Barroga, Rica Diolan, Justine Dorog, Christine Dianne Francisco, Ejiya Laure, Maristela Geen Layug, Kristine Magallanes, Nicole Anne Magsarile, Maria Lina Isabel Molde, Jasmine Nabor, Faith Janine Shirley Nisperos, Roselyn Rosier, Alyssa Marie Teope, at Catlin Viray. (AT)

ALYSSA MARIE TEOPE

ASIAN YOUTH GIRLS U

CATLIN VIRAY

CHRISTINE DIANNE FRANCISCO

EJIYA LAURE

EZRA GYRA BARROGA

FAITH JANINE SHIRLEY NISPEROS

JASMINE NABOR

JERRY YEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with