Gilas umangat sa Asian countries sa world rankings
MANILA, Philippines – Tumapos ang Pilipinas sa 21st puwesto sa 2014 FIBA World Cup na nagsara na kahapon sa Madrid, Spain.
Ito ay mas mataas ng 15 puwesto dahil nasa 36th puwesto ang bansa sa world rankings noong 2013. Nakapasok ang bansa sa prestihiyosong kompetisyon sa basketball matapos pumangalawa sa FIBA Asia Men’s Championship sa bansa noong nakaraang taon.
Naabot ng Gilas ang 21st place matapos manalo ng isa sa apat na laro sa Group B.
Tinalo ng Pambansang koponan ang Senegal para pawiin ang pagyuko sa Croatia, Argentina, Greece at Puerto Rico.
Lumabas ang Pilipinas bilang pangalawang pinakamahusay sa Asian countries kasunod ang Iran na nasa ika-20th puwesto.
Tinalo ng Pilipinas ang Finland, South Korea at Egypt na nasa huling tatlong puwesto sa 24 bansa na nagtagisan.
Ang USA ang siyang muling nagkampeon nang durugin ang Serbia, 129-92, sa finals kahapon.
Tinalo ng France ang Lithuania para sa pangatlong puwesto.
Nanguna sa Pilipinas si naturalized center Andray Blatche na tumabla kay Bojan Bogdarovic ng Croatia sa scoring sa pangalawang puwesto sa 22 puntos kada laro pero nanguna sa rebounding sa 13.8 boards.
Bunga ng magandang numero, si Blatche rin ang nanguna sa efficiency rating sa 22.4 puntos.
- Latest