Serbia kakasa sa US sa World Cup Finals
MADRID--Hindi nakakaramdam ng kaba ang Serbia sa gagawing pakikipagtuos sa USA para sa FIBA World Cup title dito.
Nakuha ng Serbians ang karapatan na labanan ang walang talo at nagdedepensang kampeon US sa 90-85 panalo sa France noong Biyernes.
“Now our confidence is high and OK, we have a chance, maybe some players never get this chance to play against US, great US team in the final of the World Cup. It’s unbelievable chance to do something great in our lives,” wika ni Nenad Krstic na dating naglaro sa NBA.
Walang nag-akala na aabot sila sa championship round dahil nakasali ang Serbia nang nalagay bilang seventh place sa European qualifier.
May 2-3 karta rin ang koponan sa Group A at sinuwerteng kinuha ang ikaapat at huling puwesto sa knockout round.
Nag-iba ang laro ng Serbia sa puntong ito at nauna nilang sinibak ang Greece, 90-72, at Brazil, 84-56, bago isinunod ang France na siyang dumurog sa puso ng Spaniards nang patalsikin ang host sa quarters.
Ang ganitong pag-uugali papasok sa finals laban sa patok na US ay maaaring makatulong para maitala ang pinakamalaking upset sa basketball sa mahabang panahon.
- Latest