Maidana tiniyak ang panalo kay Floyd
MANILA, Philippines - Ginagarantiya ni Marcos Maidana na babawiin niya ang masaklap na pagkatalo kay Floyd Mayweather Jr. noong Mayo sa muling pagtutuos ngayon sa MGM Grand Arena sa Las Vegas.
Tinuran ni Maidana ang mga pagkakamali sa diskarte sa unang tagisan para mawalan ng saysay ang malakas na naipakita sa unang mga rounds.
“I will not make any mistakes this time and the pressure will be on his in every round,” ani Maidana sa Boxingscene.
Wala rin siyang balak na lubayan si Mayweather para makuha ang taguri bilang kauna-unahang boksingero na tumalo sa pound for pound king.
Mas mataas ang kumpiyansa ni Floyd na manalo sa laban at mapanatiling suot ang WBC welterweight title.
Ipinagyabang pa ni Mayweather na patutulugin niya si Maidana para patunayan na hindi pa nawawala ang lakas at galing nito kahit edad 37 na.
“I will be faster and stronger in this fight and I’m going for the knockout,” banta ni Mayweather.
- Latest