Magsanoc tinapik ng Hapee
MANILA, Philippines - Ang dating NCAA champion coach na si Ronnie Magsanoc ang siyang pinagkatiwalaan ng Hapee Toothpaste para pamunuan ang koponan sa paglahok sa PBA D-League.
Noong Season 88 pinagkampeon ni Magsanoc ang San Beda sa NCAA bago binitiwan sa sumunod na taon. Naupo rin bilang assistant coach sa PBA teams na Purefoods at ngayon ay nasa Meralco, si Magsanoc ay assistant din ni Bo Perasol sa Ateneo na number one team sa UAAP elimination.
“Being one of the best minds in amateur basketball, we are proud to have him as our coach,” ani team owner Dr. Cecilio Pedro.
Ang manlalaro ng San Beda sa pangunguna nina Ola Adeogun, Arthur dela Cruz at Baser Amer ay sasamahan ni dating Red Lions scorer Garvo Lanete at Ateneo defensive player Kirk Long.
May usapin din na ang dating UAAP MVP na si Bobby Ray Parks Jr. ay isusuot din ang uniporme ng koponan para maging palaban sa unang conference na Aspirants’ Cup.
Ang Hapee Toothpaste ay isa sa tiningalang koponan sa amateur league matapos manalo ng tatlong titulo sa PBL.
- Latest