^

PSN Palaro

Alapag lalaro sa ASIAD Blatche out, Douthit pasok

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - May  masasandalan pa rin na malaking sentro ang Gilas Pilipinas sa Asian Games sa Incheon, Korea.

Pumayag ang Incheon Asian Games Organizing Committee (IAGOC) sa kahilingan ng bansa na ipasok si Marcus Douthit para palitan si Andray Blatche na idineklarang hindi puwedeng maglaro dahil hindi nito nakumpleto ang tatlong taon residency rule para sa mga manlalaro na kakatawan sa ibang bansa.

Si PSC chairman at Asian Games Chief of Mission Ricardo Garcia ang humarap sa Delegation Registration Meeting sa Incheon kahapon at kasama rin niyang naipasok si Jimmy Alapag para makapalit ng may injury na si Paul Lee.

Noong Setyembre 15 ay nagpasa na ng final 12 si national coach Chot Reyes at kasama rito sina Blatche at Lee.

Naunang umapela ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na paglaruin ang 6’11 NBA center sa Asian Games kung saan nagkaroon ng ‘misunderstanding’ sa kanyang eligibility dahil pinaglaro siya ng FIBA sa World Cup sa Spain bilang isang Filipino pero pinagbabawalan ng Incheon Games.

Ngunit nanindigan ang OCA na siyang magpapatakbo sa Asian Games na sinusunod lamang nila ang kanilang Konstitusyon para pagbawalan si Blatche.

Binigyan ng Philippine citizenship noong 2011,  ito ang unang pagkakataon na makakalaro si Douthit sa Asian Games pero beterano na siya ng dalawang FIBA Asia Men’s Championship kaya’t alam na rin niya ang istilo at abilidad ng mga makakaharap.

Tila hindi naman lubusang tanggap ni Reyes ang na­sabing desisyon.

“Just got final word from Incheon that Blatche is out. What a shame. Gotta get @DouthitMarcus in game shape, pronto!” tweet ni Reyes.

Alam na rin ni SBP president Manny Pangilinan ang desisyon kahit nasa Madrid upang dumalo sa FIBA Central Board meeting.

Tanggap niya ang desisyon at kinumpirma rin ang pagsali ng Pilipinas sa basketball.

ANDRAY BLATCHE

ASIA MEN

ASIAN GAMES

ASIAN GAMES CHIEF OF MISSION RICARDO GARCIA

CENTRAL BOARD

CHOT REYES

DELEGATION REGISTRATION MEETING

GAMES

INCHEON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with