FIBA World Cup USA, Lithuania magkikita uli sa semis
BARCELONA, Spain -- Inilampaso ng nagdedepensang United States ang Slovenia,119-76, habang giniba naman ng Lithuania ang Turkey, 73-61, para itakda ang kanilang semifinal match sa 2014 FIBA World Cup.
Dumikit ang mga Slovenians sa halftime, 42-49, bago kumamada ang mga Americans sa second half sa likod nina team captain James Harden, guard Klay Thompson at athletic center Anthony Davis.
Umiskor si Thompson ng game-high 20 points kasunod ang tig-14 nina Harden at Kenneth Faried .
“We played hard but we just couldn’t finish in the first half and then the floodgates opened after that,” sabi ni U.S. coach Mike Krzyzewski sa news conference.
Kumayod naman ang dating European champions na Lithuania, ang bronze medalist noong 2010 World Cup, sa final quarter para talunin ang Turkey, kumuha ng 14-6 abante sa first period.
Tumipa ang mga Lithuanians ng 10 of 19 three-pointers.
Pinamunuan ni shooting guard Renaldas Seibutis ang Lithuania sa kanyang 19 points, habang may 13 si Martynas Pocius at kumolekta si center Jonas Valanciunas ng 12 markers at 13 rebounds.
Samantala, haharapin ng host Spain ang European champion France at lalabanan ng Brazil ang dark horse Serbia sa dalawa pang quarterfinals matches.
- Latest