^

PSN Palaro

Turkey, Brazil pasok sa quarterfinals ng World Cup

Pilipino Star Ngayon

BARCELONA, Spain – Isinalpak ni Turkey forward Emir Preldzic ang kanyang ikalawang last-minute three-pointers sa huling limang segundo para talunin ang Australia, 65-64, papasok sa quarterfinals ng Basketball World Cup.

Lalabanan ng Turkey sa quarterfinals ang Lithuania, nakakuha ng 22 points kay Jonas Valanciunas para talunin ang New Zealand, 76-71.

Sa Madrid, tumipa si Neto ng 21 points para pangunahan ang Brazil sa 85-65 paggiba sa Argentina patungo sa quarterfinals.

Sasagupain ng Brazil sa quarterfinals ang Serbia, nakahugot kay guard Bogdan Bogdanovic ng apat na 3-pointers at tumapos na may 21 points sa 90-72 pagsibak sa Greece.

Lamang ang Australia ng limang puntos sa huling minuto ng fourth quarter nang tumipa ng tres si Preldzic para idikit ang Turkey sa 62-64 agwat.

Natawagan ang Australia ng shot clock violation na nagresulta sa tres ni Preldzic na siyang nagpanalo sa Turkey.

Nagtala sina Preldzic at guard Sinan Guler ng tig-16 points para sa tagumpay ng mga Turks.

Umiskor naman si San Antonio Spurs forward Aron Baynes ng 15 markers sa panig ng Australia, lumamang ng 12 points sa third period.

ARON BAYNES

BASKETBALL WORLD CUP

BOGDAN BOGDANOVIC

EMIR PRELDZIC

JONAS VALANCIUNAS

NEW ZEALAND

PRELDZIC

SA MADRID

SAN ANTONIO SPURS

SINAN GULER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with