^

PSN Palaro

Korea nagbalak kumuha ng naturalized player sa Asiad

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ginusto ng South Korea na magparada ng isang naturalized player para sa 2014 Asian Games ngunit hindi ito itinuloy matapos mapag-isipan ng kanilang mga basketball officials na kapos na sila sa panahon.

Kaya naman matigas ang Korea sa layunin nitong huwag payagan si 6-foot-11 naturalized center Andray Blatche na pag­laruin para sa Gilas Pilipinas sa Asian Games na nakatakda sa Setyembre 19 hanggang Oktubre 4.

Bukod kay Blatche ayaw ding pasalihin ng host country ang naturalized player ng Chinese-Taipei.

Sa ilalim ng patakaran ng Olympic Council of Asia at ng Incheon Asian Games Organizing Committee, ang naturalized player ay dapat isang three-year resident ng bansa na kanyang gustong laruan para payagang makalaro sa Asiad.

Gusto ng Korean Basketball Association na ga­wing naturalize player si star forward Aaron Haynes, isang American na nagla­laro sa KBA sa loob ng anim na taon.

Mabibigyan sana ni Haynes, ang high-scoring, 6-foot-6 product ng Fresno Central High School sa California, ng magandang tsansa ang Korea para sa Asian Games gold.

Ngunit hindi ito itinuloy ng KBA officials dahil sa three-year residency rule sa mga naturalized players.

Sa isang artikulo na inilabas ng Korean He­rald noong Mayo, sinabi ng 33-anyos na si Haynes na gusto niyang katawanin ang Korea sa Incheon bilang isang naturalized player.

Subalit wala na siyang magagawa kaya naman sinabi ng American sco­ring demon na patuloy na lamang siyang maglalaro sa KBA.

Si Blatche ay idineklarang ineligible na maglaro sa Asian Games dahil siya ay naging naturalized Filipino lamang noong Hunyo.

Ipinagkait din sa Chinese-Taipei na magamit ang kanilang naturalized player na si Quincy Davis para sa Asiad dahil hindi siya pasado sa residency requirement.

AARON HAYNES

ANDRAY BLATCHE

ASIAD

ASIAN GAMES

CHINESE-TAIPEI

FRESNO CENTRAL HIGH SCHOOL

GILAS PILIPINAS

HAYNES

NATURALIZED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with