^

PSN Palaro

Warizal, Dela Rosa wagi sa Puerto Princesa leg ng MILO

Pilipino Star Ngayon

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan, Philippines – Binande­rahan nina four-time winner Norlan Warizal at ang nagbabalik na si Jila Dela Rosa ang labanan sa 21-kilometer event sa Puerto Prin­cesa leg ng 38th National MILO Marathon Qualifying Race kahapon dito.

Nagposte ang 29-an­yos na si Warizal ng bilis na 01:19:13 para iwanan sina Ben Alejandrino (01:21:26) at Nicko Cortes (01:22:42).

“Dalawang buwan lang ako nag-training dahil sa trabaho ko,” sabi ni Warizal, isang logistics hel­per na nagdedeliber ng mga produkto ng Nestle sa Puerto Princesa.

Ang oras na 01:39:24 na­man ang isinumite ng 20-anyos na si Dela Rosa pa­ra talunin sina Bernardi­ta Mag-aso (01:47:56) at Mi­chelle Anne Tibagacay (01:51:37).

Kapwa tumanggap sina Warizal at Dela Rosa ng premyong P10,000 dahil sa kanilang mga panalo.

Sina Warizal at Dela Ro­­sa, kasama ang 19 pang runners, ay nakakuha ng tiket para sa National Fi­­nals na nakatakda sa Dis­yembre 7 sa Manila.

Ang tatanghaling MILO Marathon King at Queen ang ipapadala sa Japan pa­ra sa 2015 Tokyo Marathon.

ANNE TIBAGACAY

BEN ALEJANDRINO

DELA RO

DELA ROSA

JILA DELA ROSA

MARATHON KING

MARATHON QUALIFYING RACE

SHY

WARIZAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with