^

PSN Palaro

PLDT Home FiBR bagong kaalyado ng volleyball group

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nakuha ng Philippine Volleyball Federation (PVF) bilang kaalyado ang PLDT Home FiBR para sa pagbubuo ng malakas na koponan sa kalalakihan at kababaihan.

Magkatuwang na ang dalawang koponan sa isinasagawang tryouts sa Ninoy Aquino Stadium at hindi ma­layong lumalim pa ang samahan dahil may plano ang kumpanyang pinamumunuan ni businessman/sportsman Manny V. Pangilinan na ituloy ang pagsuporta hanggang sa 2015 Singapore SEA Games.

“Malaking bagay kung may makuhang team sponsor ang volleyball lalo na kung ito ay ang PLDT na talagang sumusuporta sa development ng sport,” wika ni PVF secretary-general Rustico “Otie” Camangian.

May binuo ang PVF na National Volleyball Manage­ment committee at kasama rito si Evelyn Celis na ku­makatawan sa PLDT.

Si Camangian ang national team director, habang ka­­sama rin sina Michelle Datuin at Gretchen Ho ng PLDT bilang Public Affairs at Media Affairs officers.

Noong Huwebes at Biyernes sinimulan ang tryouts sa kalalakihan na hahawakan ni UST coach Arthur “Odjie” Mamon at nasa 60 manlalaro ang dumalo na kung saan 18 sa kanila ang pipiliin para bumuo sa pambansang ko­ponan sa kalalakihan.

Ngayon at Bukas naman nakatakdang gawin ang pag­pili sa kababaihan at matapos makumpleto ang kopo­nan ay sasailalim ang mga koponan sa matinding pagsa­sanay para makabalik sa paglahok sa SEA Games.

Taong 1991 sa Manila SEA Games huling nagkaroon ng medalya ang men’s volleyball team na binuo pa ni­na Camangian at Mamon nang nakakuha ng bronze me­dal, habang ang women’s team ay huling nakakuha ng me­dalya, isang bronze, sa 2005 Philippine SEA Games.

Sa pagkakaroon ng mahabang panahon para ma­kapaghanda at suporta ng PLDT, hindi malayo na mas kuminang ang pambansang koponan sa paglalabanang SEAG sa Singapore.

CAMANGIAN

EVELYN CELIS

GRETCHEN HO

MAMON

MANNY V

MEDIA AFFAIRS

MICHELLE DATUIN

NATIONAL VOLLEYBALL MANAGE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with