^

PSN Palaro

US, Slovenia, Spain at France pasok sa quarterfinals

Pilipino Star Ngayon

BARCELONA – Magaang na tinalo ng nagdedepensang United States ang Mexico mula sa 86-63 panalo para makapasok sa Last Eight ng 2014 FIBA World Cup.

Kaagad na kinuha ng Americans ang 42-27 abante laban sa Mexicans patungo sa kanilang tagumpay.

Nagtala si guard Stephen Curry ng 6-of-9 shooting sa three-point line para tumapos na may 20 points.

“We came out better in the first five minutes with a lot of energy. Our defense is the thing that’s keeping us going, to put pressure on our opponents and take away their offenses,” sabi ni Curry.

Nagdagdag si James Harden ng 12 points, habang humakot si DeMarcus Cousins ng 11 points at 7 rebounds mula sa bench para sa Team USA.

Makakatapat ng Americans sa quarterfinals ang Slo­venians na sinibak ang Dominican Republic, 71-61.

Si Zoran Dragic ang sumelyo sa panalo ng Slovenia mula sa kanyang mahahalagang puntos at depensa sa fourth quarter.

Nagtala siya ng 18 points at 4 steals.

Sa iba pang laro, binigo naman ng France ang Croatia, 69-64, para makaabante sa quarterfinals.

Tumipa ang France ng tatlong free throws sa dulo ng laro para sa kanilang panalo.

Umiskor si Nicolas Batum ng 14 points kasunod ang 13 ni Evan Fournier para sa France.

Inilampaso naman ng host Spain ang Senegal, 89-56, para itakda ang kanilang laban ng France sa quarterfinals.

“It’s so fun to play against them. And I think this will be the same,” sabi ni guard Rudy Fernandez sa kanilang pag­harap sa France.

Nakatakda namang harapin ng Argentina ang Brazil sa kanilang laro sa Round of 16.

Sasagupain ng Lithuania ang New Zealand, habang ma­kakatapat ng Serbia ang Greece at lalabanan ng Aus­tralia ang Turkey.

DOMINICAN REPUBLIC

EVAN FOURNIER

JAMES HARDEN

LAST EIGHT

NAGTALA

NEW ZEALAND

NICOLAS BATUM

PARA

RUDY FERNANDEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with