Reyes hihilingin sa FIBA na parusahan ang Greek player
SEVILLE - Nais ni Gilas Pilipinas coach Chot Reyes na parusahan ng FIBA si Greek center Giannis Bourousis matapos itulak si team manager Aboy Castro noong Linggo sa FIBA World Cup sa Seville, Spain.
Itinulak ni Bourousis si Castro matapos magkaroon ng mainitang pananalita sina national coach Chot Reyes at Greek coach Fotis Katsikaris sa laro ng magkabilang koponan.
Tema ng palitan ng salitaan ng dalawang coaches ay ang pinakawalang 3-pointer ni Kostas Kaimakoglou sa larong panalo na ang Greek.
“I was telling the coach you should have not made that shot as part of coaching ethic. Of course the coach said it’s FIBA competition, there’s the quotient. Then he told me ‘the way you play is dangerous. Sabi ko ‘what?’ Tapos parang inano siya ni Aboy, pero si Bourousis tinulak si Aboy,” wika ni Reyes.
Nagkaroon ng ilan pang tulakan dahilan upang muntik na mauwi sa free-for-all. Napaghiwalay naman ang magkabilang panig at ilang minuto ay nagkamayan din.
Pero hindi natapos sa kamayan ang pangyayari dahil nais ni Reyes na bigyan ng kaparusahan si Bourousis.
“He put his hands on Aboy. He has to be sanctioned for that. A player should not touch coach, manager or team officials. In FIBA, coaches are allowed to come in para umawat ng away but players can’t,” paliwanag ni Reyes.
Tinawag ni Katsikaris na maruming maglaro ang Nationals matapos bigyan ng flagrant foul ni LA Tenorio si Kostas Papanikolaou.
Dinepensahan ni Reyes si Tenorio na isang 5’8”guard na binabantayan ang mga 6’5 players ng katunggaling koponan.
“You must understand grabeng bugbog ang inaabot namin sa game. We get shove in the chest, we fall back and the refs said we’re flopping,” pahayag ni Reyes.
May 0-2 karta na ang Pilipinas pero hindi ito dahilan para hindi magsikap na makasilat sa ikatlong laro kontra sa mas malakas na Argentina na ginanap kagabi.
- Latest