^

PSN Palaro

Bagsit naghabol pa ng gold sa Pinas

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dinagdagan ni Ar­chand Christian Bagsit ang gintong medalya na napanalunan ng bansa nang magkampeon sa men’s 400-meter run sa pagta­tapos ng 76th Singapore Open Track and Field Championships noong Linggo sa Choa Chu Kang Stadium, Singapore.

Nakauna lamang si Bag­sit ng halos dalawang hakbang sa kababayang si Edgardo Alejan Jr. para sa 1-2 pagtatapos sa 47.77 at 47.79 segundo tiyempo.

Ang Japanese runner na si Souchiro Kawase ang pumangatlo sa 48.08 oras.

Sina 19-anyos pole vaulter Ernest John Obiena at Fil-Am Eric Shauwn Cray ay naghatid pa ng dalawang pilak para wakasan ng Pambansang koponan na ipinadala ng PATAFA ang dalawang araw na kompetisyon bitbit ang apat na ginto, apat na pilak at isang bronze medal tungo sa pangatlong puwestong pagtatapos sa pangkalahatan.

Naalpasan ni Obiena  ang bar sa 5.20 meters para malagay sa pangalawang puwesto kasunod ni Duh Yeon Han ng Korea na may 5.30m.

Si Cray na nanalo sa 400m hurdles, ay nakontento sa pangalawang puwesto sa century dash sa 10.66 segundo. Ang ginto ay napunta kay W. Himasha Easchan ng Sri Lanka sa 10.61 segundo at ang bronze ay napunta kay Kazuya Murata ng Japan sa 10.72 segundo.

Ang iba pang nanalo para sa Pilipinas ay ang nagbabalik na long jumper na si Marestella Torres na nakagawa ng 6.45m at si Christopher Ulboc sa paboritong 3000m steeplechase event.

Ang Korea ang siyang lumabas bilang overall champion sa 11 ginto, 6 pilak at 1 bronze habang ang Japan na may apat na ginto rin, ang pumangalawa dahil sa anim na pilak at siyam na bronze medals.

Ang Vietnam ang pu­mang-apat sa 4-0-2 habang ang Myanmar ay may 3-4-1 medal tally para pumanglima.

ANG JAPANESE

ANG KOREA

ANG VIETNAM

CHOA CHU KANG STADIUM

CHRISTIAN BAGSIT

CHRISTOPHER ULBOC

DUH YEON HAN

EDGARDO ALEJAN JR.

ERNEST JOHN OBIENA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with