^

PSN Palaro

Gotuaco, Moreno kumakasa pa

Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

NANJING--Humataw si archer Bianca Roxas-Chua Gotuaco sa ranking round ng women’s individual recurve sa Fangshan Archery Field dito.

Tumudla ang 17-anyos na si Gotuaco ng 642 points mula sa 72 arrows at pumuwesto sa No. 11 buhat sa kabuuang 32 female archers na nakapasok sa Youth Olympic Games.

Nagtala si Gotuaco, estudyante sa International School Manila, ng 322 points sa first half at 320 sa final half.

Tinamaan niya ang X ring (bullseye) ng 10 beses at ang inner 10 ring ng 25 ulit.

Nauna nang nakamit ni Gotuaco ang gold medal sa isang Ohio competition at tinulungan ang Pilipinas na talunin ang Mexico sa labanan para sa bronze medal sa Seoul International Archery Fiesta.

Si Gyeong Lee Eun ng Korea ang na­nguna sa rankings sa kanyang 681 points kasunod sina Diananda Choirunisa (673) ng Indonesia at Jiaman Li (669) ng China.

Magbabalik si Gotuaco ngayon hapon para sa Olympic round o sa knockout stage kung saan niya makakatapat si No. 22 Miasa Koike ng Japan (618 points).

Minalas naman si Gabriel Luis Moreno sa kanyang 605 points para umupo sa No. 30 sa hanay ng 32 male archers.

Naging maganda ang simula ni Mo­reno, ang Philippine flag-bearer sa opener, sa kanyang 325 bago bumaba sa 280 sa final half matapos ang recess.

Sa Olympic round, lalabanan ni Mo­reno si third-ranked Marcus D’Almeida ng Brazil (683).

 

BIANCA ROXAS-CHUA GOTUACO

DIANANDA CHOIRUNISA

FANGSHAN ARCHERY FIELD

GABRIEL LUIS MORENO

GOTUACO

INTERNATIONAL SCHOOL MANILA

JIAMAN LI

MARCUS D

MIASA KOIKE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with