^

PSN Palaro

Verdeflor minalas sa gymnastics

AC - Pilipino Star Ngayon

NANJING --Hindi man lamang nakalapit si Ava Lorein Verdeflor sa medal podium sa all-around event ng women’s gymnastics sa 2014 Youth Olympic Games.

Ngunit nakahanap ng dahilan ang 15-anyos na si Verdeflor, mula sa Plano, Texas, para ngumiti matapos ang kanyang 11th place finish sa 13,000-seat Olympic Sports Center Gymnasium.

Ang YOG ang pinakamalaking event na nasa­lihan ni Verdeflor, naka­kuwalipika matapos pu­mang-lima sa 22 entries sa nakaraang Asian Cham­pionships sa Uzbekistan.

Tanging siyam na gymnastics mula sa Asia ang nakarating dito sa Nanjing.

“I’m very proud of how I did. I was able to make it here and compete for the Philippines,” sabi ni Verdeflor matapos ang all-around finals na napagwagian ni Seda Tutkhalyan ng Russia.

“I was kind of disappointed because I could have done better,” ani Verdeflor na may all-around score na 49.800.  Nagtala si Verdeflor, ang mga magulang ay parehong Filipino, ng 12.450 sa bars, 12.850 sa beam, 11.600 sa floor at 12.900 sa vault.

 Si Verdeflor ay kasama pa sa finals ng uneven bars na lalaruin bukas.

 

 

 

ASIAN CHAM

AVA LOREIN VERDEFLOR

NAGTALA

NANJING

OLYMPIC SPORTS CENTER GYMNASIUM

SEDA TUTKHALYAN

SI VERDEFLOR

VERDEFLOR

YOUTH OLYMPIC GAMES

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->