Juico palalakasin ang Adopt an Olympian program
MANILA, Philippines - Gustong palakasin ni Philippine Amateur Track and Field Association (PATAFA) president Philip Ella Juico ang kanilang ‘adopt an Olympian’ program para sa kauna-unahang Olympic gold medal ng bansa.
At kailangan ng suporta ng pribadong sektor para makamit ito, ayon kay Juico.
“The idea is to get the private sector support and concentrate on those teams that have been neglected,” wika ni Juico sa isang panayam sa Channel 23 noong Martes ng gabi.
Sinabi ni Juico, ang dating chairman ng Philippine ports Commission (PSC), na may 13 atleta na siyang napili, kasama na rito si long jumper Marestella Torres, para sa nasabing programa.
“We will be looking for sponsors to adopt them for training for Olympic Games and other big international sports events,” ani pa Juico.
Si Juico ang pumalit kay Go Teng Kok na pinamunuan ang athletics association sa loob ng 22-taon ngunit nabigong makakuha ng kauna-unahang ginto ng bansa sa Olympics.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin kinikilala ng Philippine Olympic Committee (POC) ang pagkakaluklok kay Juico bilang bagong pangulo ng PATAFA.
“Our athletes have the skills and talents but beyond that, we have to enter into the sports sciences, medicines, conditioning, proper diet and nutrition,” sabi ni Juico.
- Latest