^

PSN Palaro

Nanguna sa skill test Banchero nagpasiklab

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kaagad gumawa ng ingay si Chris Banchero ma­tapos manguna sa unang araw ng Gatorade PBA Draft Combine kahapon sa Gatorade Hoops Center sa Mandaluyong City.

Bumandera si Banchero sa lahat ng limang kategor­ya ng skills test sa nasabing aktibidad.

Nagsumite ang 6-foot-1 Fil-American guard ng tiyempong 8.33 segundo sa lane agility drill, 16.87 segundo sa shuttle run test, 2.91 segundo sa 3/4 court sprint, tumalon ng 33.73 pulgada sa standing vertical leap at 68.32 pulgada sa maximum vertical leap.

Ihahayag ng PBA Com­missioner’s Office ang official list matapos ang da-lawang araw na aktibidad para sa 2014 Rookie Draft na idaraos sa Agosto 24 sa Robinson’s Place sa Ermita, Manila.

Ang unang bahagi ng naturang aktibidad ay nagtampok sa unang 47 draft applicants na ang mga apelyido ay nagsisimula sa letrang A hanggang G.

Papagitna ngayong araw sa skills test si Fil-Am guard Stanley Pringle, ang sinasabing hihirangin ng Globalport bilang No. 1 overall pick, sa pagtatapos ng Draft Combine.

Hindi naman natapos ni San Beda forward Rome dela Rosa ang skills test nang magkaroon ng pulled hamstring habang ginagawa ang mga drills.

AGOSTO

BANCHERO

BUMANDERA

CHRIS BANCHERO

DRAFT COMBINE

GATORADE HOOPS CENTER

MANDALUYONG CITY

SAN BEDA

STANLEY PRINGLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with