^

PSN Palaro

Roach pagod na sa paghihintay sa Pacquiao-M’weather fight

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hahayaan na lamang ni Freddie Roach sa kapa­laran kung magaganap ba o hindi ang pagkikita ng alagang si Manny Pacquiao at walang talo at pound for pound king Floyd Mayweather Jr.

Pagod na si Roach sa kasasagot kung mangya­yari pa ang pinakasasabikang tagisan kaya’t siya at si Pacquiao ay hindi na pinag-iisipan kung mangyayari ito o hindi.

“We won’t wait for him,” wika ni Roach sa panayam ng World Boxing News. “One thing Manny and I do is not to talk about it. He (Mayweather) doesn’t want to fight.”

Si Pacquiao ay naghahanda sa kanyang pagdepensa sa hawak na WBO welterweight title laban sa walang talo at WBO light welterweight king na si Chris Algieri.

Hindi minamaliit ni Roach ang American boxer na tumalo sa isa niyang alaga at dating kampeon na si  Ruslan Provodnikov,  pero malaki ang paniniwalang mananalo ang Pambansang kamao sa laban.

Isa pang napag-usapan ay ang hamon na inilabas ng dating sinasanay na si Amir Khan.

Wala ring problema si Roach na harapin ang Bri­tish boxer na dating naka­ka-sparing ni Pacquiao noong siya pa ang trainer nito.

Pero wala ring nakikitang tsansa na matatalo ang Kongresista ng Sarangani Province base sa nakita sa mga naunang pagsasanay ng dalawa sa Wild Card gym.

“Manny had him down a couple of times and I have no problem with that fight. I would take that fight in a second,” dagdag ni Roach.

Sa Nobyembre 22 ang sampa uli ng ring ni Pacquiao sa Macau, China at sa susunod na buwan gagawin ang press tour na sisimulan sa Macau at tutungo sa San Francisco, LA at New York para mapag-init ang interes sa laban kontra kay Algieri. 

AMIR KHAN

CHRIS ALGIERI

FLOYD MAYWEATHER JR.

FREDDIE ROACH

MACAU

MANNY AND I

NEW YORK

PACQUIAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with