Gilas tumiklop sa Aussies
MANILA, Philippines - Matapos lumaban nang husto sa France sa kanilang unang laro, sumuko naman ang Gilas Pilipinas sa Australia sa second half patungo sa kanilang 75-97 kabiguan sa 2014 Antibes International Basketball Tournament sa Azur Arena sa Antibes, France.
Sumabay ang Nationals hanggang sa halftime, 42-47, hanggang gamitin ng mga Australians ang kanilang lakas at laki para magtayo ng 73-63 abante sa third period.
Sa fourth quarter ay nalimitahan ng Australia ang Gilas Pilipinas sa 12 points kasabay ng pag-iskor ng ng 24 markers para sa kanilang ikalawang sunod na panalo.
Unang giniba ng Australia ang Ukraine, 74-65.
Nauna nang yumuko ang Nationals sa France,
Kumolekta si 6-foot-11 naturalized player Andray Blatche ng 20 points at 10 rebounds para banderahan ang Gilas Pilipinas, habang may 12 markers si guard Jayson Castro.
Nagtumpok naman sina Jeff Chan at Gary David ng pinagsamang 21 points mula sa kanilang 5-of-10 shooting sa three-point area.
Sina Marc Pingris, Ranidel De Ocampo, Japeth Aguilar, June Mar Fajardo at Beau Belga ay may kabuuang 7 points at 11 rebounds para sa Nationals, nakatakdang labanan ang Ukraine sa nasabing pocket tournament.
Ang Australia ay pinamunuan ni San Antonio Spurs power forward Aron Baynes sa kanyang 15 points kasunod ang 14 ni Ryan Broekhoff at tig-13 nina Brad Newley at Mattew Dellavedova.
Si Dante Exum, ang No. 5 overall pick sa nakaraang NBA Draft, ay humakot ng 8 points at 6 assists.
Australia 97 - Baynes 15, Broekhoff 14, Newley 13, Dellavedova 13, Jawai 10, Exum 8, Gibson 7, Motum 7, Goulding 6, Bairstow 4, Ingles 0
Philippines 75 - Blatche 20, Castro 12, Chan 11, David 10, Dillinger 8, De Ocampo 4, Norwood 3, Alapag 2, Tenorio 2, Aguilar 2, Fajardo 1,Lee 0, Pingris 0, Belga 0.
Quarterscores: 20-17; 47-42; 73-63; 97-75.
- Latest