^

PSN Palaro

Pinoy chessers may tsansa pa sa Top 20

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dinurog ng Pilipinas ang Bolivia, 4-0, para magkaroon pa ng tsansa na pumasok sa Top 20 sa men’s division sa 41st Chess Olympiad sa Tromso, Norway.

Sina Grandmasters Julio Catalino Sadorra, John Paul Gomez at Jayson Gonzales at IM Paulo Bersamina ay nanalo kina GM Oswaldo Zambrana, IM Jose Daniel Gemy, Javier Monroy at IM Jonny Cueto para magkaroon ang Nationals ng 12 puntos at pumasok sa 38th hanggang 56th puwesto  matapos ang 11th round.

Pahinga ang aksyon ngayon at tatapusin ng Pilipinas ang kampanya laban sa 37th seed Canada at mangangailangan ng kumbinsidong panalo para maisakatuparan ang target na top 20 pagtatapos.

Hindi naman pinalad ang women’s team na ginulpi ng 25th seed Latvia, 1-3.

Sina Janelle Mae Frayna at Jan Jodilyn Fronda ay nakahirit ng tabla kina WGMs Laura Rogule at Ilze Berzina  sa Boards two at three pero natalo sina Chardine Cheradee Camacho at Catherine Perena kina WBA Dana Reizniece Ozola at WIM Katrina Skinke sa Boards 1 at 4.

May 11 puntos ang lady chess players para malagay sa 42nd hanggang 56th puwesto.

CATHERINE PERENA

CHARDINE CHERADEE CAMACHO

CHESS OLYMPIAD

DANA REIZNIECE OZOLA

ILZE BERZINA

JAN JODILYN FRONDA

JAVIER MONROY

JAYSON GONZALES

JOHN PAUL GOMEZ

JONNY CUETO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with