FEU ikinasa ang 3-way tie sa no. 2
MANILA, Philippines - Inangkin ng Tamaraws ang kanilang ikalawang sunod na panalo kasabay ng pagpapalasap sa Falcons ng pang-pitong dikit nitong kamalasan.
Giniba ng Far Eastern University ang Adamson University, 71-62, sa pagtatapos ng first round ng 77th UAAP men’s basketball tournament kahapon sa Smart Araneta Coliseum.
Sumosyo ang FEU sa nagdedepensang De La Salle University at National University sa ikalawang puwesto sa magkakatulad nilang 5-2 record sa ilalim ng Ateneo De Manila University (6-1).
Mula sa 24-17 abante sa first period ay pinalaki ng Tamaraws ang kanilang kalamangan sa 57-37 buhat sa basket ni Roger Pogoy sa 3:38 ng third quarter.
At mula rito ay hindi na nilingon ng FEU ang Adamson.
Umiskor si Mike Tolomia ng 21 points para banderahan ang Tamaraws
Sa unang laro, sinamantala ng UE ang pagkakaroon ng sakit ni big man Karim Abdul para talunin ang UST, 72-62.
Umiskor si Emil Palma ng 14 points, habang kumolekta si import Charles Mammie ng 12 points at 13 rebounds para wakasan ng Red Warriors ang kanilang four-game losing slump.
“We wanted to end the first round on a winning note,” sabi ni coach Derrick Pumaren sa UE na naglista ng 29-point lead sa fourth quarter hanggang makalapit ang UST sa pagtatapos ng laro.
Umiskor si Aljohn Mariano ng 21 markers para pangunahan ang Tigers kasunod ang 12 ni Kevin Ferrer.
UE 72 – Palma 14, Mammie 12, Galanza 9, Sumang 8, Arafat 7, Javier 6, Alberto 6, Olayon 3, Varilla 2, De Leon 2, Charcos 2, Jumao-as 1, Guiang 0, Cudal 0, Derige 0, Hernandez 0.
UST 62 – Mariano 21, Ferrer 12, Vigil 8, Faundo 7, Sheriff 4, Daquioag 3, Pe 3, Lo 2, Lao 1, Subido 1, Gayosa 0, Macasaet 0.
Quarterscores: 19-11; 32-15; 60-31; 72-62.
FEU 71 – Tolomia 21, Belo 13, Pogoy 9, Hargrove 6, Cruz 5, Tamsi 4, Denila 3, Inigo 3, Lee Yu 3, Escoto 2,Ugsang 1, David 1, Delfinado 0.
AdU 62 – Trollano 17, Rios 16, Nalos 8, Donahue 6, Polican 5,Inigo 4, Aquino 2, Baytan 2, Gumtang 2, Barrera 0, Butron 0, Garcia 0, Monteclaro 0, Ochea 0, Pedrosa 0, Villanueva 0.
Quarterscores: 24-17, 34-26, 58-43, 71-62.
- Latest