^

PSN Palaro

Verano, Hernandez may tsansang masama sa Singapore SEA Games

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang mananakbo ng Jose Rizal University ang maaaring makasama sa Pambansang koponan na ipanlalaban sa Singapore SEA Games sa 2015.

Ito ay matapos na mahigitan nila ang 3 minuto at 58 segundo qualifying time sa 1,500m event sa ginanap na PSC Weekly Relays sa Philsports Track Oval sa Pasig City.

Sina Roldan Verano at Rudyfer Hernandez ang  tumapos sa una at ikalawang puwesto sa nasabing middle distance race at nagsumite ng tiyempong 3:55.3 at 3:57.7, ayon sa pagkakasunod.

Ang mga ti­yem­pong ito ay mas mabilis sa gold medal per­formance ng 2013 Myanmar SEA Ga­mes na 3:58.02 na ginawa ni Mohd Jironi Riduan ng Malaysia.

Sina Verano at Hernandez ay hawak ni dating national coach Jojo Posadas at si Verano na record holder sa NCAA sa 5000m run ay kabilang sa apat na champion team ng Bombers habang kasama sa tatlong champion team si Hernandez.

Inorganisa ang tuwing linggo na kompetisyon ng Philippine Sports Commission (PSC) para mabigyan ng pagkakataon ang iba pang may talentong atleta na maipakita ang angking husay sa athletics.

May mga qualifying standards ang inilatag para sa 2015 SEA Games at ang mga makaka­abot dito ay may posibilidad na masama sa bubuuing koponan para sa torneo na nakakalendaryo mula Hunyo 5 hanggang 16. 

vuukle comment

HERNANDEZ

JOJO POSADAS

JOSE RIZAL UNIVERSITY

MOHD JIRONI RIDUAN

PASIG CITY

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

PHILSPORTS TRACK OVAL

RUDYFER HERNANDEZ

SINA ROLDAN VERANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with