Batang Gilas giba sa Angolans
DUBAI -- Hindi umubra ang bilis ng Philippine team sa mas matatangkad at mas malalakas na Angola nang isuko ang 72-82 kabiguan sa pagsisimula ng FIBA U17 World Championship dito sa Al Ahli Arena.
Umiskor si star gunner Jolo Mendoza, ang Most Valuable Player sa Southeast Asian region, ng team-high 16 points mula sa miserableng 7-for-26 fieldgoal shooting para sa kabiguan ng Batang Gilas.
Nagdagdag sina Jollo Go at Diego Dario ng 13 at 12 markers, ayon sa pagkakasunod, para sa koponan na nakatakdang labanan ang Greece kagabi.
Hindi nakaporma ang magkapatid na Matt at Mike Nieto laban sa Angola na nagparada ng tatlong 6-foot-9 rim protectors at isang versatile power forward na si 6’6 Joao Jungo.
Humakot si Jungo ng 28 points, 11 rebounds at 3 blocks para sa Africans.
Angola 82 -- Jungo 26, Amandio 17, Miranda 12, V. Manuel 10, Do 6, Valente 5, De Sousa 4, Fernando 2, D. Manuel 0.
Philippines 72 -- Mendoza 16, Go 13, Dario 12, Desiderio 9, Dela Cruz 6, Ma. Nieto 6, Escoto 4, Mi. Nieto 2, Navarro 2, Padilla 2, Abadeza 0, Panlilio 0.
Quarterscores: 15-12; 41-32; 61-52; 82-72.
- Latest