^

PSN Palaro

Tan, Kuwahara babandera sa Pinas sa WYBC sa HK

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Walong junior bowlers sa pangunguna ni 2014 Asian Schools bronze medalist Merwin Tan at Janine Kuwahara ang magtatangka na tapusin ang 16-taon na hindi nagmemedalya ang bansa sa World Youth Bowling Championships sa pagsali nila sa 13th edisyon na gagawin sa South China Athletic Association Bow­ling Center sa Hong Kong.

Bukod kina Tan at Kuwahara, sina Ivan Dominic Malig, Kherwin Ren Cremen at Ariel Young sa kalalakihan at sina Xyrra Patrize Cabusas, Christelle Peig at Anne Bernadette Ipapo sa kababaihan ang kukumpleto sa Pambansang koponan.

Sina Josephine Canare at Edmundo Florence ang tatayong coaches sa de­legasyong suportado ng Philippine Sports Commission at Philippine Olympic Committee bukod sa ayuda ng Team Prima, US Polo Association at Cebuana Lhuillier.

“We’re all excited and we’re ready to do our best to win a gold medal,” wika ng 14-anyos na si Tan na nanalo  ng dalawang bronze medals sa 15th Asian Schools sa Jakarta, Indonesia noong Pebrero.

Noong 1998 sa In­cheon, Korea huling nanalo ng medalya ang Pilipinas sa katauhan ni RJ Bautista sa isang bronze medal.

Si Angelo Constantino ang huling bowler na nanalo ng ginto at pilak na nangyari noong 1992 sa Caracas, Venezuela.

vuukle comment

ANNE BERNADETTE IPAPO

ARIEL YOUNG

ASIAN SCHOOLS

CEBUANA LHUILLIER

CHRISTELLE PEIG

EDMUNDO FLORENCE

HONG KONG

IVAN DOMINIC MALIG

JANINE KUWAHARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with