^

PSN Palaro

Team Philippines wagi kaagad sa 41st World Chess Olympiad

JVillar - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kagaya ng dapat asahan, pinayukod ng Phi­lip­pine men’s team ang Af­ghanistan, 3.5-0.5, sa­man­talang blinangko ng wo­men’s squad ang Palau, 4-0, sa pagsisimula ng mga aksyon sa 41st World Chess Olympiad sa Tromso, Norway noong Sa­bado ng gabi.

Dinaig nina Grand Mas­ters Julio Catalino Sador­ra, John Paul Gomez at Eugene Torre sina FIDE Masters Mahbuboollah Kooshani, Zaherudden Ase­fi at Hamidullah Sa­raery, ayon sa pagkaka­sunod.

Nakipag-draw naman si IM Paulo Bersamina kay Zabiullah Ahmadi sa kan­yang Olympiad debut.

Umiskor si Sadorra, pam­bato ng University of Te­xas sa Dallas, ng isang 32-move win gamit ang English Opening clash kon­tra kay Kooshani sa kan­yang unang laro sa na­sabing biennial event.

Ginamit naman ni Gomez ang Benko Gambit pa­ra gibain si Asefi.

Nanalo naman ang 63-anyos na si Torre, mag­lalaro sa kanyang record na ika-22 Olympiad appea­rance, sa pamamagitan ng default kay Sarwary.

Samantala, nagtala ng mga panalo sina Cheradine Camacho, Janelle Mae Frayna at Catherine Pe­­rena via checkmates laban kina Angelica Parra­do, Baby Edna Mission at Destiny Sisior, ayon sa pag­kakasunod.

Lalabanan ng men’s team ang Bosnia Herzego­vina at makakatapat ng mga Pinay ang Interna­tio­nal Chess Committee of the Deaf.

vuukle comment

ANGELICA PARRA

BABY EDNA MISSION

BENKO GAMBIT

BOSNIA HERZEGO

CATHERINE PE

CHERADINE CAMACHO

CHESS COMMITTEE OF THE DEAF

DESTINY SISIOR

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with