Bulldogs, Eagles umarangkada
MANILA, Philippines - Inangkin ng Bulldogs ang kanilang pangatlong sunod na panalo para patuloy na pangunahan ang 77th UAAP men’s basketball tournament.
Bumandera sina Afred Aroga at Joshua Alolino sa fourth quarter para igiya ang National University sa 57-55 paglusot sa University of the East kahapon sa Smart-Araneta Coliseum.
Ibinandera ng NU ang kanilang 5-1 record kasunod ang Ateneo De Manila University (4-1), University of Sto. Tomas (3-1), nagdedepensang De La Salle University (3-2), Far Eastern University (3-2), UE (2-3), Adamson University (0-5) at University of the Philippines (0-5).
Sina Aroga at Alolino ang umiskor ng huling limang puntos ng laro para sa Bulldogs, ipinalasap sa Red Warriors ang ikatlong dikit nitong kamalasan matapos ang 2-0 panimula sa torneo.
Tumapos si Aroga na may 18 points at 15 rebounds para sa pananaig ng NU sa UE, nagtala ng 20-9 abante sa first period.
Naimintis ni guard Roi Sumang ang kanyang lay-up sa panig ng Red Warriors kasabay ng pagtunog ng final buzzer.
Sa ikalawang laro, kumamada ang Blue Eagles sa fourth period para pigilin ang two-game winning run ng Tamaraws, 81-78.
Humugot si Kiefer Ravena ng 12 sa kanyang 23 points sa final canto para sa panalo ng Ateneo.
NU 57 – Aroga 18, Khobuntin 14, Rosario 11, Alolino 6, Perez 4, Javelona 2, Diputado 2, Neypes 0, Alejandro 0, Atangan 0, Betayene 0, Celda 0.
UE 55 – Galanza 16, Sumang 16, Javier 9, Alberto 8, Palma 4, Guiang 2, Varilla 0, Arafat 0, Mammie 0, De Leon 0, Jumao-as 0.
Quarterscores: 12-20; 23-28; 42-36; 57-55.
Ateneo 81 – K. Ravena 23, Newsome 17, Elorde 12, Pessumal 12, Capacio 5, A. Tolentino 5, T. Ravena 4, Gotladera 2, V. Tolentino 1, Apacible 0, Babilonia 0.
FEU 78 – Belo 22, Tolomia 15, Hargrove 13, Pogoy 8, Dennison 5, Cruz 4, Tamsi 4, Jose 4, Iñigo 3, Ru. Escoto 0, Ri. Escoto 0. Quarterscores: 14-16; 35-35; 58-54; 81-78.
- Latest