^

PSN Palaro

Taha bida sa panalo ng Blazers

Pilipino Star Ngayon

Laro Bukas

(The Arena, San Juan City)

12 nn  Arellano vs Letran (Jrs/Srs)

4 p.m.  EAC vs Mapua (Srs/Jrs)

 

 

MANILA, Philippines - Hindi sumablay sa pagbuslo si Paolo Taha para pangunahan ang 86-77 panalo ng St. Benilde Blazers sa Lyceum Pirates sa  90th NCAA men’s basketball kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Pasok ang pitong attempts sa field, kasama ang isang tres ni Taha na hindi rin sumablay sa anim na free throws tungo sa 21 puntos.

Ang iba pang kamador na sina Jonathan  Grey at Mark Romero ay tumapos taglay ang 14 at 10 puntos habang sina Roberto Bartolo at Raphael Nayve ay sumuporta pa sa kanilang 13 at 10 puntos.

“Maganda ang takbo ngayon. I think we’re really playing inspired basketball,” pagmamalaki ni Blazers coach Gabby Velasco.

Ikaapat na sunod na tagumpay ito ng St. Benilde matapos ang 0-3 panimula para makasalo sa ikaapat na puwesto kasama ang pahingang Jose Rizal University Heavy Bombers.

Bumaba ang Pirates sa ikalimang puwesto sa 4-4 karta, ininda nila ang panlalamig sa second period para masayang ang 25-18 lamang sa unang yugto.

Siyam na puntos lamang ang naitala ng Pirates sa second canto para maisuko sa Blazers ang 42-34 bentahe sa halftime bago lumobo ito sa 22 puntos kalamangan, 61-39, sa ikatlong yugto nang nagtulung-tulong na sina Taha, Romero at Grey.

Hanggang siyam na puntos lamang ang pinakamalapit na naabot ng Pirates para sa kanilang ikalawang sunod na pagkatalo. (ATan)

CSB 86--Taha 21, Romero 14, Bartolo 13, Nayve 10, Grey 10, Sinco 6, Saavedra 5, Ongteco 5, Jonson 2.

LPU 77--Gabayni 12, Mbbida 12, Zamora 11, Baltazar 10, Ko 8, Bulawan 7, Malabanan 6, Elmejrab 6, Taladua 5, Pamulaklakin 0,

Quarters: 18-25, 42-34, 69-49, 86-77.

 

GABBY VELASCO

JOSE RIZAL UNIVERSITY HEAVY BOMBERS

LARO BUKAS

LYCEUM PIRATES

MARK ROMERO

PAOLO TAHA

RAPHAEL NAYVE

ROBERTO BARTOLO

SAN JUAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with