^

PSN Palaro

Shakey’s V-League: Turbo Boosters uulit sa Lady Eagles

ATan - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(The Arena, San Juan City)

2 p.m.  Air Force vs National U

4 p.m. PLDT Home Telpad vs Ateneo

 

MANILA, Philippines - Palalakasin ng PLDT ­ Home Telpad Turbo Boos­ters ang paghahabol ng puwesto sa Final Four sa pag-asinta uli ng panalo sa Ateneo Lady Eagles  sa pagsisimula ng Shakey’s V-League Season 11 Open Conference quarterfinals ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Winalis ng Turbo Boos­ters ang Lady Eagles sa pagkikita sa elimination round 25-21, 25-13, 26-24, upang mapaboran na maisulong ang 6-1 karta sa ligang inorganisa ng Sports Vision  at handog ng Shakey’s bukod sa ayuda ng Accel at Mikasa.

Kasalo ng PLDT ang Army Lady Troopers at nagdedepensang kampeon  Cagayan Valley Lady Rising Suns sa liderato (6-1) kaya’t mahalaga ang manalo uli ang Turbo Boosters para makahiwa­lay kahit panandalian lamang.

May 2-5 baraha para malagay sa ikaanim at huling puwesto ang UAAP champion Lady Eagles at kailangan nilang maipanalo ang laro para gumanda ang paghahabol ng puwesto sa susunod na round.

Tampok na laro ito at mauunang magsukatan ang Air Force Air Spi­kers at National University  Lady Bulldogs sa alas-2 ng hapon.

Pagsusumikapan ng Air Spikers na manalo sa Lady Bulldogs para manatiling hawak ang solo ikaapat na puwesto sa standings.

Kung matalo ang Air Force ay makakasalo nila ang Lady Bulldogs sa mahalagang puwesto.

Ang mangungunang apat na koponan matapos ang single-round robin ang uusad sa cross-over semifinals na inilagay sa best-of-three series.

Siyam na araw na na­pahinga ang Turbo Boos­ters upang matiyak na handang-handa ito para sagupain ang inaasahang matinding hamon mula sa Ateneo.

Tinapos ng Lady E­agles ang kampanya sa elims bitbit ang dalawang sunod na pagkatalo sa kamay ng Army at Cagayan Valley.

Parehong umabot sa limang sets ang dalawang laro at ininda ng Ateneo ang napakaraming errors.

Bukod sa paglimita sa errors, aasa uli ang Ateneo sa husay ni Alyssa Valdez na siyang lumabas bilang top scorer sa elims bitbit ang 27-hit average.

Sa kabilang banda,  ang pagtutulungan nina Su­zanne Roces, Gretchel Soltones, Laurence Ann Latigay, Charo Soriano at setter Rubie de Leon ang sasandalan ng Turbo Boosters para kunin ang ikatlong dikit na panalo sa liga.

AIR FORCE

ATENEO

LADY

LADY BULLDOGS

LADY EAGLES

SAN JUAN CITY

SHY

TURBO BOOS

TURBO BOOSTERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with