^

PSN Palaro

Salak malaking bahagi sa pagkopo ng Army sa titulo

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kung may isang hamon na pilit na nilampasan ng Generika-Army tungo sa matagumpay na kampanya sa 2014 PLDT Home-Philippine SuperLiga (PSL) All-Filipino Conference women’s volleyball, ito ay kung paano pababalikin ang ace setter na si Tina Salak sa koponan.

Hindi nakasama si Salak ng Lady Troopers sa ka­­nilang unang tatlong laro dahil sa kanyang military schooling.

Dahil dito, natalo ang koponang hawak ni coach Rico De Guzman sa PLDT Home TVolution Power Attackers at sa Cagayan Valley Lady Rising Suns para malagay sa alanganin ang habol na ikatlong sunod na titulo sa ligang inorganisa ng Sports Core at handog ng PLDT Home DSL.

Nanalo ang koponan laban sa Cignal HD Lady Spikers pero alam ni De Guzman na nasa peligro ang kampanya kung hindi makakasama si Salak.

“Hindi namin inasahan na hindi siya makakapaglaro kaya sabog ang atake namin,” wika ni De Guzman sa pagbabalik-tanaw sa kanilang ginawang kampanya sa ligang may ayuda pa ng Mikasa, Asics, Mueller Tapes, Jinling Sports Equipment,LGR, Bench at Healthway Medical.

Agad na nakipag-ugnayan si De Guzman sa mga nakakataas at mabilis din ang tugon ng mga ito nang pakawalan si Salak para makapaglaro uli.

Mula rito ay bumalik ang tikas ng Lady Troopers at tinalo ang expansion team AirAsia Flying Spikers, Rai­ders at Petron Lady Blaze Spikers tungo sa 4-2 karta.

Lumabas na number one team ang Lady Troopers matapos gamitan ng tie-break ang nasabing koponan, Raiders, AirAsia at Petron na tumapos taglay din ang 4-2 baraha.

Dumiretso agad sa semis ang Army at sa pagbabalik sa court ay mas lalong tumibay nang pabagsakin ang AirAsia at RC Cola-Air Force sa magkatulad na 3-0 sa semifinals at finals.

Bukod sa ikatlong titulo, sa kampo rin ng Lady Troo­pers nanggaling ang Most Valuable Player ng liga sa ka­tauhan ni Salak.

Sunod na paghahandaan ng Army ang conference na katatampukan ng mga dayuhang manlalaro at tiyak na magiging palaban sa kampeonato ang koponan dahil buo pa rin silang haharap sa bagong hamon.

ALL-FILIPINO CONFERENCE

CAGAYAN VALLEY LADY RISING SUNS

COLA-AIR FORCE

DE GUZMAN

FLYING SPIKERS

HEALTHWAY MEDICAL

JINLING SPORTS EQUIPMENT

LADY TROOPERS

SALAK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with