^

PSN Palaro

90TH NCAA Men’s Basketball Pirates magsosolo sa no. 4 VS Generals; Blazers ika-2 dikit ang pakay sa Cardinals

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dugtungan ang nailis­tang unang panalo ang pagsisikapan gawin ng St. Benilde Blazers sa pagsukat sa nangungulelat na Mapua Cardinals sa 90th NCAA men’s basketball ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Tinalo ng Blazers ang Letran Knights, 85-71, sa huling laro para tapusin ang tatlong sunod  na pagkatalo.

Nakitaan ng intensidad ang Blazers sa kabuuan ng laro para makapagpundar ng malaking kalamangan tungo sa pagpasok sa win column.

Si Paolo Taha ay mayroong 24 puntos ngunit naghatid din ng solidong kontribusyon ang iba pang kasamahan tulad nina Mark Romero, Jonathan Grey at Pons Saavedra nang nagsanib sila sa 33 puntos.

Ang laro ay itinakda sa ganap na alas-2 ng hapon at magsisikap din ang Cardinals na wakasan ang limang dikit na pagkatalo.

Huling koponan na niyu­kuan ng Cardinals ay ang Arellano Chiefs, 63-68, at para sa larong ito ay aasa uli ang koponan sa kamay nina Joseph Eriobu, Andrew Estrella, Carlos Isit  at Jessie Saitanan.

Ikatlong sunod na panalo ang target ng Lyceum Pirates laban sa Emilio Aguinaldo College Gene­rals sa ikalawang laro dakong alas-4 ng hapon.

Masosolo ng Pirates ang pag-okupa sa ikaapat na puwesto na ngayon ay pinagsasaluhan nila ng San Sebastian Stags sa 3-2 baraha kung mananalo sa Generals.

Sa pagtutulungan nina Guy Mbida at Joseph Ga­bayni, ang Pirates ay nagwagi sa Mapua, 80-78, at host Jose Rizal University Heavy Bombers, 84-80, sa overtime.

Kailangan naman ng Generals na bumalik ang sigla ng laro na naipakita nang manaig sa St. Benilde para wakasan ang tatlong sunod na pagkatalo para malagay sa ikapito at walong puwesto kasama ang Blazers.

 

ANDREW ESTRELLA

ARELLANO CHIEFS

CARLOS ISIT

EMILIO AGUINALDO COLLEGE GENE

GUY MBIDA

JESSIE SAITANAN

JONATHAN GREY

JOSE RIZAL UNIVERSITY HEAVY BOMBERS

JOSEPH ERIOBU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with