Jabs ni Algieri gigiba kay Pacquiao
MANILA, Philippines - Bukod sa angking height advantage, isa sa susi sa ikapapanalo ni WBO light welterweight champion Chris Algieri laban kay Manny Pacquiao ay ang kanyang bibitiwang jabs.
“The jab is the most important thing is the sport. A jab is a very effective tool and Chris has it. I’m sure that is probably the most vital aspect of the fight,” pahayag ni Joe DeGuardia na siyang promoter ni Algieri sa Boxingscene.
Si Algieri ay aakyat ng welterweight para sukatin ang WBO champion na si Pacquiao na itinakda sa Nobyembre 22 sa Macau.
Napili ng Top Rank ang walang talo matapos ang 20 laban na si Algieri nang talunin si Ruslan Provodnikov noong Hunyo.
Dehado man sa laban, nakikita ni DeGuardia ang kakayahan ng alagang boksingero na silatin ang patok na patok na si Pacman.
“For this particular fight, sure it pays good money the Pacquiao fight – but the reality is I’m also taking this fight because of the opportunity it provides and I like the way he stacks up against Manny. It’s a great opportunity for him. I feel comfortable putting him in the fight and I think he’s going to win,” dagdag nito.
Ang 5’10 na si Algieri ay nagsabi rin ng kanyang paniniwala na kaya niyang manalo sa natatanging 8-division world champion na si Pacquiao.
“He has never fought a fighter like me,” nasambit ni Algieri.
Ang laban na ipo-promote ng Top Rank ay gagawin sa catch weight na 144-pounds.
- Latest