^

PSN Palaro

May tiket na sa 2015 Singapore SEAG Obiena gumawa ng bagong record

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nilampasan ni Ernest John Obiena ang Pambansang record sa pole vault nang nakagawa ng 5.01 metro sa idinaos na PATAFA Weekly Relays noong Linggo sa Philsports Oval sa Pasig City.

Ang marka ng 18-an­yos na anak ng dating pambato sa event na si Emerson Obiena, ay lampas ng isang sentimetro sa 5 metro national record na pinagsaluhan nila ni Fil-American Edward Lasquete.

Nagawa ni Lasquete ang marka noon pang 1992 sa  Barcelona Olympics habang naging ikalawang Filipino pole vaulter si Obiena nang nalampasan ang limang metro sa idinaos na 21st Taiwan Non Tou Indoor Pole Vault Championship noong Abril.

Ang meet director na si Renato Unso at Andrew Pirie, kasapi ng Association of Track and Field Statisticians at tauhan ng Philippine Sports Commission (PSC) sa tanggapan ni Commissioner Jolly Gomez ang sumaksi sa nagawa ni Obiena para  kilalanin ng PATAFA bilang bagong national record.

Nakakuha na rin ng puwesto ang junior athlete na si Obiena sa ipadadalang athletics team para sa 2015 SEA Games sa Singapore dahil lampas ang bagong marka sa 5-meters bronze medal performance noong 2013 Myanmar SEA Games.

Bago ito ay ipinadala si Obiena sa Formia, Italy para magsanay sa loob ng tatlong buwan sa ilalim ng pamosong pole vault coach na si Vitaly Petrov.

Si Petrov ang coach ng ilang world cham­pions tulad ni Sergei Bubka na siyang nagparating ng imbitasyon sa PATAFA nang  bumisita ito sa bansa noong Enero.

ANDREW PIRIE

ASSOCIATION OF TRACK AND FIELD STATISTICIANS

BARCELONA OLYMPICS

COMMISSIONER JOLLY GOMEZ

EMERSON OBIENA

ERNEST JOHN OBIENA

FIL-AMERICAN EDWARD LASQUETE

OBIENA

PASIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with