^

PSN Palaro

Manila North masusubukan sa China at New Zealand sa 3x3

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mapapalaban agad ang Manila North na ibinabandera nina Calvin Abueva ng Alaska Ian Sangalang ng San Mig Super Coffee dahil kalaban nila ang Xinzhuang ng China at Auckland ng New Zealand sa pagsisimula ng Smart 2014 FIBA 3x3 World Tour Manila-Masters ngayong hapon sa Mega Fashion Hall sa SM Megamall.

Sa ganap na alas-4:30 ng hapon ang laro ng Manila North at Chinese team habang dakong 6:20 ng gabi ang tagisan laban sa Aussie team.

Ang kakampi ni Abueva sa Aces na si Vic Manuel at NLEX player Jake Pascual ang kukumpleto sa koponan sa dalawang araw na kompetisyon na inorganisa ng Samahang Basketbol ng Pilipinas sa pangunguna ng pangulong si Manny V. Pangilinan katuwang ng Nike at Samsung.

Sina Terrence Romeo ng Globalport, Rey Guevarra ng Meralco, KC Canaleta ng Talk N’Text at Aldrech Ramos ng Air21 na bubuo sa Manila West ay masusukat din sa Kobe, Japan (4:10 p.m.) at Doha, Qatar (5:40 p.m.).

Ma 12 koponan, apat mula sa host Pilipinas, ang mag-aagawan sa unang dalawang puwesto ng kompetisyon na aabante sa 3x3 FIBA World Tour Final sa Tokyo, Japan mula Oktubre 11 hanggang 12.

Ang Manila East na binubuo nina Ousseynou Karbala Gueye, Darryl Henderson Jr., John Adrian Wong at Jerie Pingoy ay mapapalaban sa Surabaya (4:50 p.m.) at Yog­jakarta (6:40 p.m) at national U18 champion na sina Joshua Irvin Ayo, Adonis Christian Nismal, Karl  Kenneth Estrada at Raphael Jude De Vera para sa Manila South ay susukatin ng Medan (3:40 p.m. ) at Jakarta (5:20 p.m.).

ADONIS CHRISTIAN NISMAL

ALASKA IAN SANGALANG

ALDRECH RAMOS

ANG MANILA EAST

CALVIN ABUEVA

DARRYL HENDERSON JR.

JAKE PASCUAL

JERIE PINGOY

JOHN ADRIAN WONG

MANILA NORTH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with