Pacquiao ‘di sigurado kung sisipot sa dispersal draft
MANILA, Philippines - Alinman kina two-time PBA Most Valuable Player Danny Ildefonso ng Meralco, 6-foot-6 Larry Rodriguez at rookie Alex Nuyles ng Meralco ang maaaring hirangin bilang top pick sa dispersal draft ngayong hapon sa PBA Office sa Libis.
Si PBA Commissioner Chito Salud ang magsasagawa ng two-team lottery kasunod ang dispersal draft na magdedetermina kung sino sa expansion teams na Kia Motors at Blackwater Sports ang unang pipili.
Si Filipino boxing superstar Manny Pacquiao ang tumatayong head coach ng Kia, habang si Leo Isaac ang gagabay sa Blackwater Sports.
Ayon sa source, di pa sigurado kung sisipot si Pacquiao sa nasabing draft dahil sa siya mismo ang personal na nag-aalaga sa asawang si Jinkee na may karamdaman.
Kung sakaling ‘di sumipot si Paquiao, ang kanyang assistant na si Glenn Capacio ang kakatawan sa Sarangani Congressman para sa pagpili ng Team Kia sa mga players sa dispersal draft.
Ang iba pang nasa dispersal draft ay sina Chris Timberlake, Wynne Arboleda, John Ferriols, Hans Thiele, Bonbon Custodio, Ren Ren Ritualo, Eddie Laure, Ronnie Matias, Rob Labagala, Jason Deutchman, Mark Yee at Val Acuna.
Lilimitahan ng PBA sa susunod na season ang bawat koponan sa pagkakaroon ng 12 players sa kanilang active lineup bukod pa ang dalawa sa reserve at tatlong practice players.
May limang araw ang Kia at ang Blackwater para papirmahin ng kontrata ang mga players na kanilang mahuhugot sa dispersal draft.
Magbabalik ang mga drafted players sa unprotected list ng kanilang mga mother clubs kung hindi sila mapapapirma ng Kia at Blackwater.
- Latest