^

PSN Palaro

PLDT, Army magkakasubukan

Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(The Arena,

San Juan City)

2 p.m.  Army vs PLDT Home Telpad

4 p.m.  Cagayan Valley vs Air Force

 

MANILA, Philippines - Magkakasukatan  ang mga pinapaborang ko­­ponan na Army Lady Troopers at PLDT Home Telpad Turbo Boosters sa pagpapatuloy ngayon ng Shakey’s V-League Season 11 Open Conference sa The Arena sa San Juan City.

Ang laro ay itinakda sa alas-2 ng hapon at ang mananalo ay magpapatuloy sa pagtangan ng malinis na karta sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s at may ayuda pa ng Accel at Mikasa.

Kung ang Lady Troo­pers ang magwagi, opis­yal na rin silang aabante sa quarterfinals tulad ng PLDT.

“Army is strong and we  have to play to our best ability, “ wika ni PLDT coach Ro­ger Gorayeb.

Parehong may mahu­husay na spikers ang magkabilang panig kaya’t ang koponan na siyang magdodomina sa net ang hinuhulaang mananalo sa laban.

Sina Sue Roces, Lau­­rence Ann Latigay, Cha­ro Soriano, Ryzabelle De­­vanadera at Gretchel Soltones ang mga aasahan ng Turbo Boosters habang sina Rachel Ann Daquis, Jovelyn Gonzaga at Mary Jane Balse ang aasahan ng Army.

Itataya naman ng Air Force Air Women ang dalawang sunod na panalo sa pagsukat sa bumabangon ding Cagayan Valley  Lady Ri­sing Suns sa ikalawang laro sa alas-4 ng hapon.

Ang makukuhang panalo ng Air Force ay magpapanatili sa koponan na okupahan ang ikatlong puwesto sa walong kopo­nang liga.

Tiyak na mabibigyan sila ng magandang laban ng nagdedepensang kampeon Lady Rising Suns na hanap ang ikatlong panalo sa apat na laro.

Galing ang koponan sa straight sets pananaig sa National University Lady Bulldogs noong Martes para maipakita na nagbalik na ang tikas ng koponan matapos matalo sa PLDT na sumira sa  kanilang 17-game winning streak, kasama ang 16-0 sweep tungo sa kampeonato noong nakaraang taon. (ATan)

vuukle comment

AIR FORCE

AIR FORCE AIR WOMEN

ANN LATIGAY

ARMY LADY TROOPERS

CAGAYAN VALLEY

GRETCHEL SOLTONES

HOME TELPAD

SAN JUAN CITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with