Lions inupuan uli ang solong liderato
Laro Bukas
12 nn Letran vs Jose Rizal U (Jrs./Srs.)
4 p.m. Lyceum vs Mapua (Srs./Jrs.)
MANILA, Philippines - Binuhay ni Baser Amer ang nanlamig na opensa para ibigay sa four-time defending champion San Beda ang 90-81 panalo sa Arellano University sa 90th NCAA men’s basketball kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Dalawang sunod na buslo ang ginawa ni Amer para palamigin ang pagbangon ng Chiefs na tinabunan ang 18 puntos kalamangan at dumikit sa tatlong puntos.
“I’ve got to give it to coach Jerry Codiñera. They showed they could compete,” ani Lions coach Boyet Fernandez na nakuha ang ikaapat na sunod na panalo para masolo ang liderato sa liga.
Lumayo ang Lions sa 58-36 sa triple ni Anthony Semerad pero kumapit pa ang Chiefs at nakadikit sa isang puntos, 80-79, sa buslo ni Dioncee Holts.
Si Amer ay naghatid ng apat na puntos, habang may apat na sunod na free throws pa ang nagbabalik mula sa one-game suspension na si Arthur dela Cruz para sa 10-1 endgame run.
May 18 puntos si Amer habang si Dela Cruz ay naghatid pa ng 17. Si Ola Adeogun ay may 13 puntos bago na-foul out sa huling segundo bunga ng double foul nila ni John Pinto.
Si Levi Hernandez at Giovanni Jalalon ay may 20 at 17 puntos para sa Chiefs. (ATan/MMendoza--trainee)
San Beda 90--Amer 18, Dela Cruz 17, Adeogun 13, Koga 8, A. Semerad 8, Tongco 7, Pascual 6, Mocon 5, D. Semerad 4, Cabanag 2, Mendoza 2, Sara 0, Abude 0.
Arellano 81--Hernandez 20, Jalalon 17, Holts 9, Caperal 8, Pinto 6, Agovida 5, Nicholls 4, Enriquez 4, Salcedo 3, Ciriacruz 2, Cadavis 2, Bangga 1, Gumaru 0.
Quarterscores: 24-17, 47-35, 64-54, 90-81.
- Latest